Inihayag ni Manila Mayor Honey Lacuna na walang lugar ang mga kriminal sa kanyang lungsod.
Ayon sa alkalde, hindi aniya porket babae ang nakaupo bilang mayor ay pupwede na ang kalokohan sa Maynila.
Nais ng kauna-unahang babaeng mayor ng lungsod na magpatupad ng bakal na kamay sa pagsugpo sa mga kriminal sa lungsod.
Paninindigan pa ng alkalde, ang lungsod na malaya sa kriminalidad ay susi sa pag-unlad at magreresulta sa pagkakaroon ng mga trabaho.
Kumpiyansa naman si Lacuna na gagawin ni Manila Police District (MPD) Director Police Brigadier General Andre Dizon ang lahat upang mapanatulu ang kaayusan sa kanilang lugar.
Samantala, tiniyak naman ng alkade na susuportahan niya ang MPD sa abot ng kanyang makakaya. —sa panulat ni Hannah Oledan