Umabot na sa mahigit P34,740,541.03 million pesos ang naibigay na tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at mga lokal na pamahalaan sa mga biktima ng bagyong Karding.
Sa datos mula sa dswd disaster response operations monitoring and information center, napuruhan ng bagyo ang regions I, II, III, CALABARZON, V at CAR.
Nasa 215,798 na pamilya o 796,674 indibidwal ang naapektuhan ng bagyo mula sa 1,794 barangays.
Aabot naman sa 1,198 families ang nananatili sa 36 na evacuation centers habang 9,265 naman ang nanunuluyan sa ibang lugar.
Batay pa sa DSWD Dromic Report, 4,765 na kabahayan ang totally damaged habang 14,548 ang partially damaged.
Nagpapatuloy naman ang validation at assessment ng DSWD sa mga naapektuhan ng bagyong Karding.