Pinagtibay na ng kamara ang resolusyong magbibigay parangal sa 5 miyembro ng rescue personnel sa Bulacan na nasawi sa gitna ng pananalasa ng bagyong Karding.
Sa House Resolution Number 421, kinilala ang natatanging kagitingan nina Narciso Calayag Jr., Jerson Resurreccion, Marby Bartolome, George Agustin, at Troy Justin Agustin.
Namatay ang 5 matapos silang tangayin ng tubig baha habang nasa San Miguel, Bulacan.
Matatandaang sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Karding, ang lalawigan ng Quezon, Aurora, Zambales, Tarlac, at Nueva Ecija ang pinaka-napinsala na nakaapekto sa kalapit na lalawigan gaya ng Bulacan at Pampanga at Metro Manila.