Presyo ng pagkain, tataas ng P3 hanggang P5 sa gitna ng pagbaba ng halaga ng piso ng Pilipinas kontra dolyar.
Ayon kay House Ways and Means Panel chairperson Joey Salceda, tataas ang presyo ng bigas, mais, trigo at lahat ng pagkain sa bahay kubo dahil halos 21% ng suplay ng pagkain sa bansa ay imported.
Napagtanto niya ito, dahil nasa P58.99 centavos na ang halaga ng isang US Dollar.
Aniya, dapat tiyakin ng gobyerno ang stable na suplay ng pagkain sa bansa. —sa panulat ni Jenn Patrolla