Walang Pilipinong nasaktan sa hagupit ng Hurricane Ian sa Florida.
Ito ang inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA).
Batay sa datos, nasa 168,000 na Pilipino ang nakatira sa Florida, kung saan karamihan dito ay health workers.
Sinabi naman ng Philippine Embassy sa Washington D.C. na patuloy nilang binabantayan ang impact ng naturang ipo-ipo.
Tiniyak naman ni DFA Spokesperson Ma. Teresita Daza na patuloy nilang binabantayan ang sitwasyon habang patungong South Carolina ang buhawi kung saan mayroong 17,500 na Pilipino ang nakatira.
Samantala, isa ang Hurricane Ian sa pinaka malakas na buhawing tumama sa US mainland na nagresulta sa malalang pagbaha at power outages sa ilang bahagi ng Florida. – sa panulat ni Hannah Oledan