Tiniyak ng Department of Education na magkakaroon ng make-up classes ang mga eskwelahan sa Metro Manila na naapektuhan ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) leaders’ summit matapos suspendihin ang klase sa NCR nitong nagdaang linggo.
Ayon kay Deped-NCR Director Dr. Luz Almeda, ipinauubaya na nila sa mga opisyal ng mga paarlan kung kailan isasagawa ang mga make up class.
Layon anya ng make up class na mapunan ang nawalang panahon sa pag-aaral ng mga bata dahil sa pagkansela ng klase, bunsod ng APEC meeting. Ito’y para makumpleto ang required school day at alinsunod sa DepEd order no. 9 series 2015.
Hinikayat naman ng DePed ang mga guro na isama sa asignaturang “araling panlipunan” ang kahalagahan at benepisyo ng APEC meeting sa buhay ng mga Filipino.
By: Jonathan Andal