Bumisita si Vice President Sara Duterte sa mga residente ng Barangay Tangos North, Navotas City para mamahagi ng regalo.
Ipinamahagi ni Inday Sara ang Pasasamalat gifts para sa mga mangingisda at residente.
Ginawa ito ng bise presidente bilang bahagi ng kanyang pasasalamat sa mga taga-Navotas dahil sa kanilang ibinigay na suporta noong eleksyon.
Samantala, sariling desisyon at inisyatibo ni Vice President Sara Duterte ang pagtungo sa lungsod para bisitahin at maghatid ng tulong-donasyon sa mga naninirahan doon. —sa panulat ni Jenn Patrolla