Hiniling ng Malakanyang sa publiko na maging vigilant at makipagtulungan sa mga otoridad para mahadlangan ang ano mang banta ng terorismo.
Kasunod na rin ito inilunsad na pandaigdigang laban kontra terorismo , bunsod ng mga nangyaring karahasan sa Paris, France, Russia at ang ginawang pagpugot sa ulo ng isang malaysian kidnap victim ng mga bandidong Abu Sayyaf.
Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda na walang kinikilalang lugar at oras ang terorismo kayat mahalagang maging mapagmatyag at ipaalam kaagad sa mga otoridad ang mga hindi normal na obserbasyon.
By: Aileen Taliping (patrol 23)