Paiimbestigahan sa senado ni Senate Minority Leader Koko Pimentel ang resulta ng 6/55 lotto draw kagabi kung saan 433 ang nanalo at ang winning combination numbers ay divisible by 9.
Ayon kay Pimentel nakakapagtaka ang naturang resulta at kaduda duda na 433 mananaya ang nanalo o pare-pareho ang tinayaan na numero.
“Katakataka yang result na yan. Yung pagiging divisible by 9 ano lang independent event yan, relationship between numbers lang yan, puwde siyang by accident. Pero yung 433 ang mananalo sa supposed to be ang chances mo dyan one in many billion to say na 433 ang tumama, there is something suspicious, pahayag ni Pimentel.
Kaya ayon kay Pimentel magpafile siya ng resolusyon sa senado para busisiin ito at mahingan ng paliwanag ang Philippine Charity Sweeptakes Office o’ PCSO kung lucky pick ba ang mga nanalo.
“Mag file na lang ako ng resolution para maimbestigahan ito.Siguro magpa hearing na lang tayo para tanungin ang PCSO kung mga lucky pick ba itong mga winners na ito.. that means, ssytem generated yung number ng tumaya. Therefore, there is nothing random about their lucky pick, kasi ibig sabihin nun binigay nila sa 400 katao,” dagdag pa ni Pimentel.
Giit ni Pimentel noon pa siya may napansin sa draw ng lotto kung saan sa isang 6 digit , may 10 winners bagay na nakakapagtaka na dahil sa 6 digits ay which is one in a one million yung probability.
Mahalaga anya na mayroong integridad ang mga gambling games na binigyang otirisasyon ng pamabalaan na makapag operate sa bansa tulad ng lotto.
Ayon kay Pimentel, kanilang tatanungin sa imbestigasyon sa isyung ito ang statistician mga professor at PCSO para malaman ang kanilang sistema.
“So we have to look at the entire system of our lotto games. This is a good chance because maraming nagtatanong. Pati yung staff ko nagulat ako eh ang aga aga un ang ibinalita sa akin. So ibig sabihin nun talagang marami pong nagtaka at nagulat,” pahayag pa ni Pimentel.