Isinusulong ni Commission on Elections na isakriminal ang nuisance candidates.
Kasunod ito ng pagpapawalang bisa ng comelec kamakailan sa pagkapanalo ni Negros Oriental governor Henry Teves noong Mayo 2022 sa gobernatorial race
Matapos na ang mga boto na nakuha ng isang nuisance candidates na nagngangalang “Ruel Degamo” ay na-credit sa isa pang kalaban nito na si dating gobernador Roel Degamo.
Ayon kay Comelec spokesperson John Rex Laudiangco, dapat itong ma-criminalize dahil sa nagiging uso ito.
Dahil kada eleksyon na lang aniya ay, mayroon at mayroong tumatakbo na halos kapangalan, katunog ng pangalan ng mga lehitimong kandidato na ang tanging dahilan ay para gawing mockery ang eleksyon at lituhin ang mga tao.