Pumalo na sa mahigit isang milyong pamilya ang naapektuhan ng bagyong Karding sa Luzon.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot na sa 299,127 pamilya o katumbas ng 1,072,282 indibidwal ang naapektuhan ng naturang bagyo.
Sa nasabing bilang, nasa 821 pamilya o mahigit 3,000 indibidwal ang nananatili sa 26 na evacuation centers.
Habang nasa mahigit 8,000 naman ang nakikitira sa kanilang mga kamag-anak.
Wala namang bagong naipaulat na nasawi at nananatili sa 12 ang bilang ng mga namatay, 52 ang sugatan at lima ang nawawala dahil sa bagyong Karding.—sa panulat ni Hannah Oledan