Ipinatupad ng Department of Labor and Employment ang 455.6 million pesos na emergency employment program para sa mga manggagawa sa informal sector at mga apektado noong bagyong Karding.
Sa ilalim ng tulong pang-hanapbuhay sa ating disadvantaged o displaced workers o “TUPAD” program, makakapagtrabaho ang mga manggagawa nang 10 hanggang 30 araw para tumulong sa paglilinis para sa rehabilitasyon ng mga komunidad.
Batay sa huling datos ng NDRRMC, nasa 304.345 million pesos na ang kabuuang pinsala sa imprastraktura habang nasa 3.076 billion pesos naman ang halaga ng pinsala sa agrikultura.
Ayon naman sa DOLE, nahati na ang pondo para sa TUPAD program kung saan 365 million pesos ay mapupunta sa implementasyon ng programa sa Central Luzon at 90.6 million pesos naman sa Calabarzon.
Samantala, ayon kay labor secretary Bienvenido Laguesma, handa ang kanilang departamento na magbigay ng karagdagang tupad funds kung sakaling kailanganin.—sa panulat ni Hannah Oledan