Tiklo ng isang drug suspect matapos mahulihan ng 2.7 million pesos na halaga ng shabu sa isang buy-bust operation sa Dasmarinas, Cavite.
Kinilala ang suspek na si Lewis Longcanaya na ikinokonsidera rin bilang isang high-value target.
Ayon sa Police Regional Office 4-A, nahuli si Longcanaya sa barangay H2 dakong mag-a-alas-6 ng gabi kahapon.
Nasabat naman mula rito ang 400 gramo ng shabu.
Samantala, arestado rin ang dalawang suspek sa isa pang isinagawang sting operation sa Taytay, Rizal.
Nahuli sina Benedict Victoria at Mavie Maaba bandang alas-7 ng gabi sa barangay Dolores.
Nakuha naman mula sa mga suspek ang 136,000 pisong halaga ng shabu.
Kasalukuyang nakakulong ang apat na suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.—sa panulat ni Hannah Oledan