Asahan ang maaliwalas na panahon sa Luzon na may tiyansa ng mga thunderstorms sa hapon hanggang sa gabi.
Ayon kay PAGASA weather specialist Patrick del Mundo, magpapatuloy ang mga pag-ulan sa silangang bahagi ng Luzon partikular na sa Isabela, Aurora, Quezon Province, Camarines Province at Catanduanes dahil pa rin sa patuloy na pag-iral ng easterlies.
Magiging maaliwalas naman ang panahon sa Visayas at Mindanao maliban na lamang sa mga tiyansa ng pag-ulan lalo na sa hapon hanggang sa gabi bunsod ng Inter-Tropical Convergence Zone (ITCZ).
Agwat ng temperatura sa Metro Manila ay maglalaro sa 24 hanggang 32°C habang sisikat naman ang haring araw mamayang 5:46 ng umaga at lulubog naman ito mamayang 5:44 ng hapon.