Muling pina-alalahanan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang mga mananakay na huwag magbayad nang sobra sa mga Public Utility Vehicle hangga’t walang nakapaskil na fare matrix.
Inihayag ni LTFRB chairperson Cheloy Garafil na ang pagpaskil ng fare matrix o taripa ang isa sa mga kondisyon para sa fare hike alinsunod sa mga resolusyon na inaprubahan para sa dagdag-pasahe.
Iginiit ni Garafil na hindi maaaring maningil ng dagdag bayad ang mga driver hangga’t hindi nakapaskil ang kanilang taripa.
Magugunitang binuksan ng ahensya ang kanilang mga tanggapan tuwing Sabado upang ma-accommodate ang maraming P.U.V. operator na nag-a-apply para sa fare matrix.