Pasok sa championship ng World Junior Figure Skating ang Filipino American figure skater na si Sofia Frank.
Ang 16-anyos na FilAm ay pumuwesto sa ika-16 mula sa 49 sa ISU Junior Grand Prix sa Gdansk, Poland.
Si Frank ay umiskor ng 92.76 sa free skate at 49.99 sa short program at nasa ika-22 puwesto sa Junior World Championships.
Itinakda sa Calgary, Alberta sa February 2023 ang Junior World Championships.