Nananatili pa rin sa 25 evacuation centers ang 756 na pamilya o 3,521 katao na naapektuhan ng Bagyong Karding.
Sa datos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Disaster Response Operations Monitoring and Information Center, nasa 275,631 pamilya o 983,532 na mga indibidwal ang naapektuhan ng bagyo mula sa 1,932 barangays sa Regions I, II, III, CALABARZON, V at CAR.
Aabot naman sa 38,609 na kabahayan ang partially damaged habang 7,422 ang totally damaged.
Sa ngayon ay umabot na sa mahigit P53 million ang naibigay na tulong sa mga naapektuhan ng Bagyong Karding.