Isinusulong sa kamara ang House Bill No. 1084 o ang pag-apruba sa prangkisa ng Bicol Light and Power Corporation upang bumuo, magpatakbo at magpanatili ng isang sistema ng distribusyon ng kuryente sa Rinconada o ang ika-limang distrito ng Camarines Sur.
Sa ilalim ng panukala na inihain ng apat na mambabatas sa kamara, nakasaad na ito’y bilang solusyon sa madalas na pagkawala ng kuryente sa Iriga City at mga bayan ng Baao, Balatan, Bato Buhi, Bula at Nabua sa CamSur.
Gayundin upang makapaghatid ng mas mahusay na serbisyo at murang kuryente sa mga konsyumer.
Nakasaad din sa panukala ang hindi dapat na pagsali sa naturang korporasyon sa anumang aktibidad na hahantong sa market power abuse.
Nabatid na sa ngayon ang Camarines Sur Electric Cooperative Inc. (CASURECO III) ang nagsusuplay ng kuryente sa Rinconada area. —sa ulat ni Tina Nolasco (Patrol 11)