Tiniyak ng Cooperative Development Authority (CDA) na may nakalatag na silang programa para makatulong sa mga magsasaka.
Ito’y kasunod na rin ng hiling ng Marcos administration na i-angat ang agrikultura sa bansa.
Ayon kay CDA Deputy Administrator Ray Elevazo, nakapokus sila sa food security habang binibigyan ng pagkakataon ang mga kooperatiba ng mga basic commodities.
Ipinabatid ni Elevazo na ngayong prayoridad ng presidente ang agrikultura, hindi lamang sa kooperatiba ng pagpapalayan nakatuon ang kanilang atensyon kundi pati na sa iba pang produkto gaya ng niyog at pangingisda.
Samantala, handa aniya ang CDA na maghatid ng tulong at mabigyan ng suporta ang mga kooperatiba ng mga magniniyog at mayroon na silang pakikipag-ugnayan na ginagawa sa Philippine Coconut Authority hinggil dito.