Nanguna si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa groundbreaking ceremony ng dalawang istasyon ng Mega Manila Subway Project (MMSP).
Sa nasabing event, sinabi ni Pangulong Marcos Jr. na senyales ang MMSP sa buong mundo na handa ang administrasyon na manguna sa pagkilala, pagpupursige, at pagpapatupad ng mga proyekto na mabibigay ng kaginhawaan at kaunlaran para sa mga Pilipino.
Umaasa naman ang pangulo na sa pamamagitan ng MMSP ay maiibsan ang kalbaryo sa pagbiyahe ng mga mananakay.
Pinuri din ng pangulo ang husay at galing ng Tokyu-Tobishima-Megawide Joint Venture (TTM-JV), na katuwang ng pamahalaan sa kauna-unahang subway project sa bansa.
Kasama ni PBBM sa event sina Department of Transportation (DOTR) Secretary Jaime Bautista na nagsimula kaninang alas-nueve ng umaga.
Dumalo rin dito si Japanese Ambassador to the Philippines Kazuhiko Koshikawa at Pasig City Mayor Vico Sotto.
Ngayon araw sisimulang isarado ang bahagi ng Meralco Avenue sa kanto ng Shaw Boulevard sa tapat ng Capitol Commons na magtatagal hanggang sa 2028.