Binigyang-pagkilala ni US President Joe Biden ang kontribusyon ng mga Filipino-Americans sa World War 2 at sa pagkakasa ng permanenteng pagbabago na nagpabuti sa farm labor conditions sa Amerika.
Ipinaabot ito ni Biden kasabay ng pagdiriwang ng Filipino American History Month (FAHM).
Sa nasabing event, ikinasa ng Filipino American National Historical Society (FANHS) na may temang “Celebrating our History and Legacies: 50 years of Filipino-American Studies, 40 years of the Filipino American National Historical Society, and 30 years of Filipino-American History Month”.
Kasalukuyan namang naghahanda ang FAHNS ng ilang aktibidad para sa isang buwang selebrasyon ng FAHM. - sa panulat ni Hannah Oledan