Naghahanda na ang tatlong beauty queen ng Binibining Pilipinas 2022 para sa kanilang lalahukang international pageants.
Target masungkit ng kandidatang si Gabrielle Basiano ang back-to-back win ng Pilipinas para sa Miss Intercontinental 2022 sa Egypt.
Lalaban naman si Chelsea Fernandez para makuha ang titulo sa Miss Globe 2022 pageant na kasalukuyang ginaganap sa Albania.
Bibiyahe naman patungong Thailand ang kandidatang si Ro-An Tamondong upang lumaban at makuha ang kauna-unahang Miss Grand International Crown ng bansa.
Ayon sa tatlong kandidata, 100% na silang handa para depensahan ang korona ng Pilipinas.