Ipinadedetalye ni Senate Minority Leader Koko Pimentel sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ang P544-B lump-sum funds na nakapaloob sa 2023 budget ng Kagawaran.
Iginiit ni Pimentel na ang nasabing halaga ay 75% ng kabuuang P718.4 billion na budget ng DPWH sa susunod na taon.
Mahalaga anyang maging transparent ang DPWH sa pondo, lalo na’t ang paggastos dito ay posibleng mauwi sa pang-aabuso.
Kung palulusutin ng Kongreso ang lump-sum Appropriation ay mabibigyan ng “Executive Blanket Authority”o direktang kapangyarihan na hindi na kailangan ng approval ng Kongreso ang kagawaran upang gastusin ang P544 billion. —sa panulat ni Jenn Patrolla