Tuloy pa rin ang biyahe ni Pope Francis patungong Africa sa kabila ng banta sa kaniyang buhay ng Islamic State of Iraq and Syria o ISIS.
Gayunman, hindi ito alintana ng Santo Papa sa halip, doble pa ang ginagawang paghahanda para sa nasabing okasyon.
Open topped din ang Pope mobile na gagamitin ni Pope francis at nakatakda pa itong bumisita sa mga liblib na lugar tulad ng refugee camp gayndin ng mga mosque.
Layunin nitong maitaguyod ang kapayapaan, social justice at pagkakaisa ng mga Kristiyano at Muslim.
Tatagal ng 5 araw ang kaniyang pagbisita kung saan, partikular nitong bibisitahin ang Kenya, Uganda at central African republic.
By: Jaymark Dagala