Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang oathtaking ng kanyang reappointed Cabinet officials.
Isinagawa ang panunumpa kaninang umaga sa palasyo ng Malacañang.
Nanguna sa listahan ng Cabinet officials si dating chief Justice Lucas Bersamin na nanumpa bilang bagong Executive secretary ng Administrasyon, kung saan pinalitan niya si Atty. Victor Rodriguez.
Kabilang naman sa mga reappointed cabinet members sina DPWH sec. Manuel Bonoan, DOST sec. Renato Solidum Jr., DSWD sec. Erwin Tulfo, DTI sec. Alredo Pascual, DOTr sec. Jaime Bautista, Finance sec. Benjamin Diokno, Department of Energy sec. Raphael Lotilla, Department of Migrant Workers sec. Maria Susana Vasquez Ople, NEDA sec. Arsenio Balisacan, at Department of Human Settlements and Urban Development sec. Jose Acuzar.
Ilang opisyal naman ng pamahalaan ang wala sa listahan ng mga reappointed Cabinet official at hindi nakasama sa ginanap na oathtaking.
Una nang inihayag ni Senate president Juan Miguel Zubiri na kinakailangang muling maitalaga ni Pangulong Marcos ang ilang miyembro ng gabinete makaraang ma-bypass ng Commission on Appointments. —ulat mula kay Jopel Pelenio (Patrol 17)