Nagtutulungan na ang National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) at Department of Health upang matugunan ang vaccine hesitancy sa Indigenous People (IP) Communities.
Ayon kay Pablito Gonzales ng National Committee on Central Cultural Communities (NCCC), iniisip ng ilang IP members na ang pagpapaturok ng COVID-19 vaccine ay kabaligtaran sa kanilang kultura at espiritwalidad.
Batay aniya sa pagtaya, nasa 40% hanggang 50% ng IPs sa buong bansa ang nakatanggap na ng bakuna.
Kaugnay nito, sinabi ni Gonzales na patuloy nilang hinihikayat ang IP communities na magpabakuna na upang magkaroon ng proteksyon laban sa COVID-19.