Arestado ang apat na Vietnamese fishermen matapos mahuli sa akto na ilegal na nangingisda gamit ang sodium cyanide sa karagatang sakop ng Pag-Asa Island, Kalayaan, Palawan.
Nahuli ang mga ito sa pinagsanib na pwersa ng Philippine Coast Guard (PCG) Station Kalayaan, Philippine Navy, Philippine National Police Maritime Group.
Nakumpiska ng Joint Maritime Law Enforcement Team ang fishing vessel na gamit ng mga Vietnamese na tinawag na Sampan.
Samantala, nakatakdang kasuhan ng kasong paglabag sa Sections 91 at 92 ng Republic Act No. 10654 o ang “Philippine Fisheries Code of 1998” ang mga Vietnamese.