Ipinagdiwang ng Eternal Crematory ang blessing ng bagong San Lorenzo Ruiz Columbarium sa Eternal Gardens sa Baesa, Caloocan City at Eternal Gardens sa Biñan City, Laguna sa naganap na seremonya noong September 28, 2022.
Ito ay kasabay ng pista ng San Lorenzo Ruiz, ang unang Pilipinong santo.
Dumalo sa nasabing event ang top executives ng sister company nitong Eternal Plans, Inc. (EPI) na pinamumunuan nina Vice Chair at Chief Executive D. Antoinette C. Cabangon-Jacinto, Board Director D. Adrian C. Cabangon at President and Chief Operation Officer Elmer M. Lorica, na Pangulo rin ng Eternal Crematory Corporation.
Kasama rin sa kaganapan ang sales force members ng EPI, executive at officer ng mga miyembrong kompanya ng Eternal Group, kabilang ang Eternal Gardens President at COO Numeriano Rodrin, Vice President for Finance Marvin C. Timbol at Executive Officer Dannica Nicole A. Cabangon.
Ang bawat nitso o crypt sa San Lorenzo Columbarium ay kayang tumanggap ng hanggang dalawang urn na idinisenyo upang maging economical alternative sa mas mahal na traditional interment.
Ang columbarium sa Baesa ay nag-aalok ng higit sa 200,000 bagong crypts, habang ang isa sa Biñan ay may mahigit 500 bagong crypts.
Ang Eternal Crematory ay isa sa mga pinakaunang kompanya na nag-aalok ng cremation services sa bansa matapos itong ma-establish noong 1995 ni late Ambassador Antonio L. Cabangon Chua.
Ito ay bahagi ng ALC Group of Companies, kabilang ang sister companies na Eternal Gardens, Eternal Chapels, at Eternal Plans Inc. sa ilalim ng pamumuno ni Chairman D. Edgard A. Cabangon.