Nababahala si Pangulong Bongbong Marcos sa nangyaring walang-saysay na pagpatay sa beteranong mamamahayag at radio commentator ng DWBL na si Percival Mabasa na kilala bilang Percy Lapid.
Inihayag ni Senior Deputy Executive Secretary Hubert Guevarra na sa katunayan ay inatasan na sila ni Pangulong Marcos na tutukan ang imbestigasyon sa pagpatay sa mamamahayag.
Nakikipag-ugnayan na anya sila sa Presidential Task Force on Media Security at Southern Police District upang matiyak ang mabilis na imbestigasyon at makapagsumite ng report sa susunod na pitong araw.
Tiniyak naman ni Task Force executive director Joel Egco na hindi sila titigil hangga’t hindi nabibigyan ng hustisya si Ka-Percy.
Dakong alas 8:30 noong Lunes ng gabi nang pagbabarilin ng riding-in-tandem si Mabasa sa BF Resort Subdivision, Las Piñas City.