Sumadsad pa sa 1,347 ang karagdagang Covid-19 cases ang naitala ng Department of Health, kahapon.
Umabot naman sa 36 ang nadagdag sa death toll kaya’t lumobo na sa 63,078 ang namatay habang 3,867,242 na ang recoveries.
Nasa 26,792 na ang aktibong kaso habang sumampa na sa 3,957,112 total caseload.
Sa mga pinaka-bagong kaso naman, 547 sa mga ito ay mula sa Metro Manila.