Umakyat na sa 102 ang bilang ng mga nasawi dulot ng pananalasa ng Hurricane Ian sa Florida, U.S.
Ayon sa mga otoridad, apat na araw ng nakararanas ng power outage ang ilang lugar sa nabanggit na bansa, dahil sa nagtumbahang mga poste at mga puno.
Ayon sa mga rescuer, libu-libong residente na ang nagsilikas dahil nananatili paring lubog sa baha ang maraming lugar sa Florida na hindi na maaring gawing tirahan dahil sa nagkalat na mga buwaya sa kalsada.
Sa ngayon, nagsasagawa na ng door-to-door searching ang mga rescuer para alamin kung mayroong mga survivor na naiwan o nanatili parin sa kani-kanilang mga tirahan.