Tiniyak ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) na bibigyan ng proteksyon ang mga miyembro ng media na may banta sa buhay.
Ito ang inihayag ni Task Force executive director Joel Egco makaraang barilin at paslangin ang beteranong broadcaster na si Percival Mabasa o Percy Lapid noong Lunes ng gabi.
Patuloy anya ang paalala ng Task Force sa mga mamamahayag na isumbong ang anumang banta o harrasment laban sa kanila upang magawan ng aksyon kabilang ang pagbibigay ng proteksyon.
Samantala, tututukan ng PNP Media Vanguards ang imbestigasyon sa kaso ng pagpatay kay Lapid. —sa panulat ni Jenn Patrolla