Halos 80% nang handa ang Commission on Elections (COMELEC) para sa pagdaraos ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) kung ito ay matutuloy sa December 5, 2022.
Ito ang inihayag ni COMELEC Spokesperson John Rex Laudiangco sa gitna ng hinihintay na paglagda o maaaring pag-veto ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. sa panukalang pagpapaliban sa BSKE at sa halip ay idaos na lamang sa October 2023.
Sinabi ni Laudiangco na batid ng komisyon na nasa kamay na ng presidente ang panukala na aprubado na ng mataas at mababang kapulungan ng kongreso.
Aniya, lahat ng procurement o yung pagbili ng gamit mula sa ballot papers, indelible ink, ballpens at ballot secrecy folder ay idedeliver na sa mga darating na linggo.
Pagdating sa printing, ani Laudiangco umaarangkada na ang National Printing Office (NPO) at ito ay 24 oras na o tuloy-tuloy.