Binuksan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Metro Manila ang online application ng fare matrix para sa mga driver at operators.
Ito ay matapos maging epektibo noong lunes ang taas-pasahe sa mga pampublikong sasakyan ngunit hindi maaaring ipatupad kung wala pang nakapaskil na taripa sa loob ng sasakyan.
Para makakuha ng aplikasyon, ia-upload sa LTFRB website ang mga kailangang dokumento tulad ng or/cr ng unit at Certificate of Public Convenience o prangkisa.
Online din ang pagbayad ng taripa.
Kapag online ipinroseso ang fare matrix, imbes na dry seal ay qr code ang inilalagay.
Susunod na gagawin ng ltfrb ncr na iimprenta ito para sa mga pirma at ia-upload para ang mismong aplikante na ang magpi-print.
Sa apat na unit o pababa, kakayanin nang isang araw ang pagkuha ng taripa.
Pero kung consolidated o higit sampung unit pataas ay inaabot ng dalawang araw hanggang isang linggo.