Tiniyak ng power unit ng San Miguel Corporation (SMC) na sapat ang energy supply, lalo para sa mga customer ng Meralco.
Sa kabila ito ng pasya ng Energy Regulatory Commission (ERC) na ibasura ang hirit ng SMC Global Power at Meralco na dagdag-singil dahil sa mahal na panggatong na ginagamit ng mga planta ng San Miguel.
Ayon sa SMC Global Power (SMCGP), ang desisyon ng ERC na ibasura ang power rate hike petition ay hindi lamang pipilay sa kumpanya, kundi magiging dagdag-pasanin din sa consumers na maaaring kaharapin ang mas mataas na singil.
Gayunman, makatitiyak anila ang mga consumer na hindi mababalam ang i-sinu-supply nilang kuryente sa Meralco.
Patuloy din umanong hahanap at gagawa ng mga paraan ang San Miguel upang maresolba ang issue.