Tataas ng hanggang 10% ang presyo ng imported goods sa gitna ng patuloy na paghina ng halaga ng piso kontra US Dollar.
Ibinabala ni Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry Incorporated Vice President Cecilio Pedro na sa oras na maubos ang inventories, asahan na ang mas mahal na imported products.
Ayon kay Pedro, pangulo at owner ng Lamoiyan Corporation, ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga imported na produkto ay isang malaking oportunidad para sa mga local goods manufacturer.
Panahon na anya upang tangkilikin ang mga lokal na produkto, pero dapat ayusin at pagandahin ng mga manufacturer ang kalidad ng kanilang mga produkto o pantayan ang kanilang imported counterparts.
Samantala, pinapurihan ng nasabing grupo ng mga negosyante ang public-private partnership program ng gobyerno na susi sa pagiging self-sufficient sa harap ng patuloy na pagmahal ng imported goods.