Umarangkada na ang National Housing Priority Program sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Sinabi ni Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose Rizalino Acuzar na naisagawa ang Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program sa pakikipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan.
Layon ng naturang programa na makapagtayo ng isang milyong housing units kada taon o anim na milyong housing units sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.
Ayon sa DHSUD, opisyal na nagsimula ang naturang programa noong Setyembre kung saan nagdaos ng ground breaking ceremonies sa Quezon City, Bacolod City, Roxas City, Iloilo City at Mariveles, Bataan.