Itinuturing ng karamihan sa mga Pilipino ang pagkontrol ng inflation bilang pangunahing problema sa bansa na kailangang agaran na tugunan ng pamahalaan.
Batay sa pinakahuling resulta ng Pulse Asia Survey na ginanap noong September 17 hanggang 21 sa 1,200 respondents, 66% ang nagsabing most urgent national concern sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin ang pagkontrol sa inflation.
44% naman ang nagbanggit ng pagtataas ng sahod ng mga manggagawa, 35% ang job creation habang 34% ang nagsabing poverty reduction ang pangunahing problema ng bansa.
Samantala, kabilang sa iba pang nabanggit na urgent national concern ang pagbabawas ng ibinabayad na tax, pagkontrol sa hawaan ng COVID-19, proteksyon ng mga OFWs at paghahanda sa pagharap sa anumang uri ng terorismo.