Tiniyak ni House Speaker Martin Romualdez na ipaprayoridad ng liderato ng Kamara ang kapakanan at karapatan ng mga guro sa bansa.
Kasunod ito ng naging selebrasyon ng National Teachers’ Day kahapon kung saan, sinabi ni Romualdez na mananatiling masigasig ang mababang kapulungan sa pagpasa ng mga panukalang batas na may kaugnayan sa mga guro.
Ayon kay Romualdez, dapat lang na pasalamatan at kilalanin ang mga guro na nagsasakripisyo, naglilingkod, at nagtiyaga para sa kanilang serbisyo lalo na ngayong pandemya.
Iginiit ni Romualdez, na ang mga guro ang siyang nagbibigay ng malaking ambag para sa paghubog sa pagkatao at tamang-asal ng mga mag-aaral.