Ibinabala ni Vaccine Expert Panel Chief Dr. Nina Gloriani na posibleng magkaroon ng covid-19 breakthrough infections sa mga indibidwal na hindi pa natuturukan ng booster.
Ito’y dahil sa humihina nilang immunity at increased mobility habang papalapit ang christmas season.
Ayon kay Gloriani, nananatiling mabagal ang pagtuturok ng booster doses sa bansa, kung saan 25% lamang ng target population ang nabigyan.
Mahalaga anyang maintindihan ng publiko, lalo ng mga senior citizen at may mga sakit na ang booster ay nagpapataas muli ng proteksyon laban sa mga variant ng covid-19.
Batay sa national covid-19 vaccination dashboard ng DOH, umabot na sa 73.2 million individuals ang fully vaccinated na sa bansa.