Naglaan na ang Department of Labor and Employment-Central Luzon ng P476 million para sa emergency employment program sa rehiyon matapos ang pananalasa ng bagyong Karding.
Inihayag ni DOLE-Region 3 Regional Director Geraldine Panlilio na nasa apatnapu’t dalawanlibong manggagawa ang kasalukuyang nagtatrabaho nang hindi bababa sa sampung araw upang tumulong sa clearing operations at rehabilitation activities sa kanilang komunidad.
Partikular anya nilang inilunsad ang tulong panghanapbuhay sa ating disadvantaged/displaced workers o tupad para sa mga biktima ng bagyo.
Ang tupad ay isang institutionalized program na ipinapatupad lalo na sa panahon ng kalamidad, gaya ng bagyo at lindol.