Patay ang isang lalaking construction worker matapos tunggain ang isang bote ng alak sa bayan ng Villanueva, Misamis Oriental.
Kinilala ni Villanueva Municipal Police Chief, Maj. Renz Marrion Serrano ang nasawing si Richie Elleso Dumalaon, bente nwebe anyos, residente ng Purok 4, Barangay Looc.
Pumayag ang biktima sa “laklak challenge” ng kanyang kaibigan na ubusin ang isang long-neck na alak sa loob lamang ng dalawampung segundo kapalit ang premyong P20,000.
Bagaman sinimot ni Dumalaon ang alak, isinugod naman ito sa ospital at namatay makalipas ang ilang oras.
Batay sa imbestigasyon, mayroon nang sakit sa puso ang biktima.
Kumasa umano sa hamon si Richie para may pampa-check-up sa kanyang ama at makaipon para sa kasal nito sa Disyembre.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya kaugnay sa insidente.