Nasa 70 % ng mga Pilipino ang naniniwala na nasa tamang landas ang Pilipinas sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr.
Batay sa Publicus Asia survey, 51% ng mga Pilipino ang naniniwala na matatag pa rin ang estado ng bansa habang 71% ang nagsabing nasa tamang landas ang Pilipinas.
Dagdag pa rito, 65% ang umaasa na mananatiling aangat pa ang pamumuhay ng mga pinoy sa nalalabing buwan ng taon.
Bagama’t bahagyang mababa ito kumpara sa resulta noong ikalawang bahagi ng taon, nananatiling positibo ang pananaw ng mga Pilipino.
Isinagawa ang pahayag third quarter poll September 16 hanggang 20 na may 1, 500 respondents.