Hinihikayat ni Parañaque City Pol. Col. Renato Ocampo ang mga mamamahayag sa media na agad i-report sa pulisya ang kanilang natanggap na death threat para sa kanilang proteksyon.
Ayon kay Ocampo, mahalaga ang partisipasyon ng media sa komunidad dahil naghahayag ng impormasyon sa publiko kaugnay sa mga nangyayari sa ibat ibang sulok ng bansa.
Pinayuhan din ni Ocampo ang mga dumalong mamamahayag sa isinagawang dayalogo ang maagang pag-aabiso sa Pulisya ng kanilang natanggap na pagbabanta para agad na matugunan at magawan ng nararapat na aksyon.
Kadahilanan ng pagkikipag-ugnayan ng Philippine National Police (PNP) sa mga miyembro ng media bunsod ng pangyayaring pag-ambush sa radio brodkaster at commentator Percival Mabasa. —sa panulat ni Jenn Patrolla