Pinayuhan ng Bureau of Customs (BOC) ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) na makipag-ugnayan sa mga lehitimong consolidators para makaiwas sa mga manloloko sa pagpapadala ng mga balikbayan box sa parating na holiday season.
Ayon kay spokesperson and Customs Operations chief Arnaldo Dela Torre Jr., handa na ang BOC sa pagdagsa ng mga bagahe ngayong Christmas season
Noong Hulyo nasa 200 na OFW sa United Arab Emirates (UAE) ang nagsampa ng reklamo laban sa forwarding company na nabigo maipadala sa Pilipinas ang kanilang balikbayan box.
Libu-libong balikbayan boxes din ng mga OFW na nagmula sa Middle East ang inabando ng foreign courier services sa BOC.
Nagtutulungan na ang BOC at local delivery services para maibigay ang mga kahon sa mga pinadalhan ng OFW ng libre. —sa panulat ni Jenn Patrolla