Ipinagmalaki ng Department of Education (DepEd) bilang biggest accomplishment ang pagbabalik ng face to face classes sa 100 araw nito sa kasalukuyang Administrasyon.
Ayon kay DepEd spokesperson Michael Poa, pinakamalaking accomplishment ng DepEd sa pamumuno ni Vice President at Education secretary Sara Duterte-Carpio ang pagbabalik ng learners o mag-aaral sa paaralan.
Patunay na unti-unting nakababawi ang bansa sa sektor ng edukasyon mula’t naitala ang pagtaas sa bilang ng mga estudyanteng hindi nakapag-aral noong nakaraang taon.
Tinitiyak ng kagawaran na maibabalik ang In-person classes sa bansa sa pinakaligtas na paraan sa pamamagitan ng mahigpit na pagsunod sa health protocol at mga panuntunan. —sa panulat ni Jenn Patrolla