Inanunsyo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chairperson Atty. Cheloy Garafil ang kanyang pagbibitiw sa pwesto kahapon.
Ayon kay Garafil, kaya siya nagbitiw sa pwesto dahil tinanggap niya ang alok ng Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr.,para maging Undersecretary ng Office of the Press Secretary at tumayong officer-in-charge.
Papalitan ni Garafil ang dating Press secretary Atty. Trixie Cruz Angeles na unang nagbitiw sa pwesto dahil sa personal na medikal.
Ang papalit naman sa pwesto ang kasalukuyang board member na si Engineer Riza Marie Paches bilang LTFRB OIC. —sa panulat ni Jenn Patrolla