Tiniyak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa publiko na mahigpit nitong mino-monitor ang aktibidad ng Mayon Volcano.
Ayon kay Marcos, nakikipag-ugnayan siya sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), at mga lokal na pamahalaan hinggil sa sitwasyon ng bulkan.
Maliban dito, tiniyak din ng Pangulo na handa ang gobyerno sakaling magkaroon ng worst-case scenario.
Inabisuhan din ng Punong Ehekutibo ang publiko na mag-ingat at maging alerto sa lahat ng oras.