Pumalo sa 26,307 examinees ang nakapasa sa Career Service Examination-Pen and Paper Test o CSE-PPT na isinagawa sa iba’t ibang panig ng bansa noong Agosto 7.
Ayon sa Civil Service Commission (CSC), ang bilang ng mga nakalusot ay 18.97 percent ng kabuuang bilang ng mga sumabak sa pagsusulit na umabot sa 138,703 examinees.
Sa Professional Level, nagkaroon ng 22,241 passers mula sa 117,938 examinees.
Mula naman sa 20,765 examinees sa Subprofessional Level ay nasa 4,066 naman ang mga pumasa.