Ikinababahala ng ilang frontliners ang hindi pagbibigay ng Philippine Overseas Employment Association (POEA) ng Overseas Employment Certificate na magpapahintulot sa kanila upang mangibang-bansa.
Ito ay dahil 7,000 Health Care Workers (HCW) lamang ang maaaring ideploy ng pamahalaan sa buong taon dahil sa deployment cap.
Ngunit ayon sa Department of Migrant Workers (DMW) , bagamat nasa 6,543 na ang na-deploy na HCW, 2,246 dito ay dumaan sa government deployment o exempted kaya’t may 2,703 pa na maaaring i-deploy hanggang katapusan ng taon.
Ayon naman sa latest advisory ng DMW, ang deployment cap ay para lamang sa nurses, nursing assistant, at nursing aids ngunit binabantayan din ang mga mission critical skills tulad ng medical technology.
Mababatid na ayon sa DOH, nasa 200 HCW ang kakulangan sa Pilipinas dahil sa kaliwa’t kanan na pagre-resingn ng mga frontliners upang maghanap ng mas magandang oportunidad sa ibang bansa. - sa panunulat ni Hannah Oledan